So ayun na nga, nung isang araw habang binabagtas ko ang kahabaan ng San Pablo - Tiaong bigla akong nakaramdam ng hindi maganda at ito ay hindi nga maganda, bumuhos ang malakas na ulan. Pumapatak ang malalaking butil ng tubig sa aking buong katawan, at syempre sa bike ko din kase nagbabike nga ako e, nang bigla kumulog sa ibabang parte ng aking katawan...
Ako si Talapipong de Lipipaw, anak ni aling Maling at Pedrito, nakatira sa kahabaan ng maikli, biglang dungaw street nagkahiyaan apartment, barangay kamas tae, Lupa City. Itong kwentong ito ay isa sa aking hapitot.
Umalis ako ng bandang alas-siete ng umaga para mag bike, sa di kalayuan, nakakita ako ng nagtitinda ng nagpapares, so ayun bumili ako ng rebisco, akala mo pares no? NOOOO!!! Wala akong baon na malaking pera, kase wala namang malaking pera talaga, malaking halaga meron. Kinakain ko ang aking rebisco habang pumapadyak nang ayun na nga, nauhaw ako, so ininom ko yung ulan na pumapatak sa katawan ko tulad ng nabanggit ko sa unang paragraph. Hala napapaenglish nako, UMAYGAD! My nose is bleeding.
De nagtae talaga si talapipong habang nagbabike. Note hindi si Aj ha, si talapipong kasama ko lang sya. INUULIT KO HINDI SI AJ KASE TUMATAE NA KAGAD SYA BAGO PA MAGBIKE, TAPOS DADALIHAN NG ISANG SAGING.
SALAMAT SA PAGBABASA NG AKING PAKING KWENTO, ITO AY WALANG KASAYSAYAN PERO MAY MAPUPULOT KA DITO... Yung balat ng rebisco HAHAHAHA!